It’s not Friday night afterall.
August 10th, 2008 by ceal08 August 2008 (08.08.08)
- a veeeeery lucky date for the Chinese, ayt?
Sooo okay. it’s a Friday. I saw bf, King, whee! She’s gaining weight, that’s good.
Even tho the grad pic taking day is nearby. Haha. *peace, Ica* We’re bored tuh death in the library. Reg even suggested that we watch A Very Special Love. Mygawd! Haha. Of course, the jologs in me was delighted and very game, and said Go! Haha. The thing was, there were a lot of things to consider before we were able to step out of the library. To many to mention here, you know what I’m talking about guys.
You know UP, you know CAMP. Singit ko ba ang buhay OT, nah. No need. Alam na. Toooooxic. Beyond measure. So that day was actually a rare one and a blessing too. A day to relax even for a bit. Coz we all know that I still have that exam in Anatomy on Tuesday. Anatomy covers a lot, a lot not discussed in class. Haha. Bottomline, lunch time came and we decided to have just have lunch instead. So it was the four of us, we were able to drag Hollie along. Ehe. So there we are - Reg, Ica, Hollie and me. Venue: Joey Pepperoni. Food was great, price’s Chef Angelo-ish. So it’s ok. Still, not that cheap. Especially for the bunch who’s always saving up for somethings, you know my case and the interns’ stories. *winkwink*
I beeped up Love. I asked what’s the plan? Just packing up the meeting for thesis and Love’s good to go. Divi? Hmm. What are you wearing I asked. Shorts and tee. Hmm. Me, uniform! Haha. I suggested RP. Good to go. Whee! Finally, time to meet up! *wootwoot* Very good. RB, the old (poor) Rob has 50thAvenue.
Hehe. We even texted Gurl (Tet). Ehe. Kinda had a miscommunication because of the network difference (Sun & Globe). Kk. There’s always next time, still sayang. I waited for Love and King. Love beeped me up first. In front of P. Faura wing. Kk, I’m on my way. First stop, Topshop. Texted King that we’re in Topshop. Transferred to MNG. King beeped me back and I fetched her in Topshop. King meet Love, Love meet King. Haha.
Dept. Store. Checked the Whatever shirts, Love in Pretty in Pink. Kingkerts told me Hollie invited the gang to eat somewhere. Wherever. Then a guy passed by with a DQ 16 oz’er! Haha. DEEQEE!!! Whee! Sooo. Yeah, you guessed right. DQ it was! Ehe.
Then, we went our own separate paths. Drama, haha. We headed for 50th Avenue. Love bought a thing or two. Then, off to Pink Lemonade and Pretty in Pink. MNG. Philcoa.
Sleeeepy. Hellatired! Neh, Love?
81F. Mrs. Luse. Joke! *winkwink* Mrs. Harvard. Pauss tlga eh! Nwei, cake! Ang spoiled. Etc. &&on the way home.
Before that: I received a call. Where am I na daw.. Told them I was out. With friends but I am on my way home. They were watching the opening (Olympics), I just knew it. Haha. Then, they said. Hmmm.. Fuhreal, I told them. Ok, let’s make a deal before 12am, I am home na. *winkwink* We dint even had dinner because Love’s so sleepy na. 7am the next day pa. Awww. Me, I gotsa review pa. Then, they texted me: Pslubng dw nmin. Ice crim hah! Ehe. Told them: Sosyal! Mgkano po budget nyo? / Swearyoso po?
Ano pong flavor? Magkano po budget? Haha. Stuff like those. Reply: Gaga libre mo kmi ice crim! Adik. Eto naman ako: Haroo. La aq peypey, hehe. Drama galore. Si Tita: Bhla k d pwde u uwi pg la u pslubng. Or something like that that prompted me to txtback: Hala, bukas na lang po ako uuwi.. Haha!
Si TitaO naman: Cge sbhan ko n lng teM. Ingat k ok. Enjoy ur bndn. (Sineryoso ni Tita ung joke ko kala nya I’m sleeping over na.) Eh hindi naman pwede iyon, walang kasabay si Shane pauwi. At un nga magrereview pa ako. At gusto ko matulog sa sarili kong mga PJs.
And I shared this with the duo. "Closed" friend told me: O di, dito ka na nga lang. May vacant(extra) bed naman eh. Ako naman: Hindi, uuwi ako. Aga pa ako start mag-rereview. (Para man lang sana may spare time ako makalabas, ehe).
Good luck, at malayong-malayo na iyong maganap. (Mga susunod na pangyayari ay isasalaysay na sa Tagalog dahil may mga pawang kaganapan at salita na mas magandang ilahad sa tunay na wikang ginamit.)
Pagkatapos ng BG, uwi na kami agad. Hayy, ang tangi kong problema pa ng mga panahon na ito ay gusto ko ng balot, saan ako makakakuha ng balot. Pag dating pa nga sa Philcoa umaasa ako sa balot. Naku, nagkasya na lang ako sa maanghang na maning may balat. Ehe. Tas pumara na. Taxi it is. Sabay kami. Syempre, hanggang Pantranco lang.
Scary, may motor thing na umaarangkada papunta sa kinatatayuan ko. Tas move ako, move din siya, scary talaga. Tas nagpatuloy na siya sa pagsulong, hay salamat. Sakto, pagdating naman ng isang pampasaherong dyip na Project 8. Jackpot.
[12:20am] Walang laman. Bingo! Haha. Edi sakay ako sa likod. Dalawang lalaki ang mga kasabay kong lumulan sa dyip. Sa harap sila. Ako, kadalasan sa dulo o sa likod ako ng drayber pumupwesto. Nagkataon, nagtext ako sa mga taong dapat kong ipaalam na pauwi na ako at baka nag-aalala sila. Balak ko sa dulo ako. Eh kaya lang inuna ko text, eh hindi pa ako nakakabayad. Tsk. Maling desisyon. Edi nsa bandang gitna ako, para madaling magbayad at gumalaw bandang dulo.
Bago pa ako matapos magtext ay lumiko na ang dyip sa Roosevelt. Sa unang bahagi ng Roosevelt na mas malapit sa Pantranco, may sumakay na 8 tao. Mga pawang nakainom, 6 na lalaki at 2 babae. Ang isa sa mga babaeng iyon ay sa tapat ko nakaupo. Pareho kaming pangatlo sa dulo at sa magkabilang gilid namin ay ang mga lalaking kasama niya. May itsura, chinita, "petite", payat, "updo in a bun", "pink shirt and pants." Simple lang ngunit hindi makakailang may dating siya. Nagsalita ang nampupu. Patay. Kapareha ng mga lalaking ala-kurimao, wannabe-rappers ang dating. Kantong-kanto.
Natakot ako syempre. Sabay yuko ko at tago sa CP ko at nagtext kay Shane. Natakot ako eh, edi kinuwento ko sa kanya. "Ohmygas.. Ang taas! (c/o of BG) Haha.. Naku. Una wlang laman ang jeep. Bandang gitna aq nkaupo. Tas biglang sakang ang lupon ng mga lalaki. Amoy alak. Mga badtrip. Kaba galore aq, wha! Buti nlg may kasama clang girls, boses kanto. Naku. Galing sa away eh."
Bandang Frisco, may bumaba, sakto namang may mga bagong sakay din. Hinahangin ang bangs ko, ehe. Effort kung effort na hawiin ko ang buhok ko napupunta sa tapat ng mata ko. Kairita eh. Haha.
Bumanda ng 3rd eye, may narinig akong nagsabi ng PARA! Hindi niyo lang alam kung gaano gumaan ang pakiramdam ko. Nagsibaba-an na sila. Hayy, makakabayad na din ako sa drayber at makakauwi na din ako naibulong ko sa sarili ko. Ngunit, mabilis ang pangyayari. Isang malakas na suntok ko ang lumanding sa kaliwa kong pisngi at malapit na malapit sa mata ko! Na-blanko ako! Sinasabi ko sa inyo! Blanko talaga! Sabaw kung sabaw, partida pa iyong pagod na pagod na ako sa kakaikot ng RP. Na nagsimula ang araw nung Biyernes na iyon ng ala-sais ng umaga! Ugh. Walang awa. Grr.
Tas dali-dali na silang bumaba lahat na parang wala lang nangyari. Sa kakabwelo nung "maliit" na babae, nakalimutan niya ang CP niya at nalaglag sa sahig ng dyip. Iyon ata ang narinig ng drayber at napasinghal nang "Hoy! Ano iyan?" Sabi ng isang lalaki na kasama nung babae, "Wala un, Manong. Cellphone lang, ok na!" At nakatawid na ang grupo nang napagalaman ng iba pang lulang ng dyip ang nangyari sa akin. Ako naman etong si nagulat at hindi na alam ang gagawin nang tinanong na "Anong ginawa sa iyo?", "Sinuntok po ako. Eto po bayad, isa lang po." Haha, sabog! Halo-halo na eh. Napasigaw iyong si Manong uli, "HUYYY!" Sabi ko, "Hindi manong, iandar n’yo na uuwi na lang po ako." Sabi naman ng isa pang pasaherong babae, "Naku iyong mga iyon naman, ano naman iyang ginawa sa iyo. Napagulo naman ng mga iyon." Something like that. I said na lang "Makakarma din po sila" (Oha, ang cheesy ko noh? Haha.)
Si Manong naman, hinarurot. Biglang stop. "O yan o, magreklamo kayo!" Tas si Ate na Jenny pala ang pangalan. "Tara, isumbong mo, ayan ang barangay o, para magtanda" sabi pa niya. Tas inakay na niya ako pababa ng dyip. Tas bigla pasok namin doon sa barangay hall, nagulantang naman sila, siyempre 12:30am na din siguro iyon tas may biglang tumigil na dyip tas may kumakaripas pa na dalawang babae sa loob. Joskoh! Riot na! Hala!
"Tara, tara." "Bilisan niyo para mahabol!" Me - blank. Sa totoo lang, iniisip ko iyong sukli ko dapat sa bente! Haha. "Tara, Jason. Samahan natin siya." Hala, nagtakeover si ate. Hehe. Ambaet! Wala akong masabi! Blessing talaga. Sabi ng mga taga Brgy. San Antonio (Brgy.1) namumutla pa nga daw ako noong una nila akong nakita. Hmmm, not for long. Pula na mamaya! Haha.
Tas pinuntahan namin ung place kung saan sila bumaba. Sad to say, terminal ng tricycle ang banda sa 3rd Eye. Tas mautak si Ate, bida talaga si Ate. Naku, thank God for her talaga.
Diretso lang kami, ung mga kanto kanto tinitignan namin kung andoon sila. Naku, wala. Parang nawalan ako ng pag-asa. Tas sila kuya from the barangay nakakatawa sabi ba naman sa mga grupo-grupong nadadaan namin "San kayo galing?! (Sabihin namin na hindi naman sila iyon) Uwi na kayo ah." Haha. Comedy din eh. Tinatawagan ko na sila Love and Sekseh nito.
Nag-sisink in na iyong nangyari eh. Sakto si Shane kaka-goodnight lang sakto balita lang ako sa kanya. Ehe. Tas si Katz, tanong asan ako, sunduin daw nila ako. Naku, pati sila maabala ng todo-todo. Tsk.
Tas tinanung nga namin ung mga drayber doon habang lulan kami ng patrol car. Tas ung mga babalik na sa terminal na mga drayber, hinaharang ng mga tao from the barangay(brgy.1) at tinatanong "San mo binaba ung mga sakay mo?" "Sa barangay po." Sosyal, barangay din?! Haha. Pero sa totoo lang, kinabahan din ako, naku may kapit pa ata sila sa barangay na pinuntahan - kaya siguro mayayabang. Tsk. Tas ung sumunod na tricycle iyon din ung sinabi.
Edi, go na kami. Pag dating dun sa barangay, hindi pa muna kami agad tumigil doon sa barangay hall ng Apolonio Samson (brgy.2) may nakita na namang grupo sila kuya, same manner of questioning but it’s a different group again. &&then, a red-shirted guy appeared and said that the group we’re looking for are his friends or something, he knows two guys from the group and told us where they went even though he was a bit hesistant. We’re walking towards where he directed us. Kinda creepy it was dark down that street. Then, one of the barangay officials from Apolonio Samson (because that’s their district) knocked on one of the gates in that street and woke up one guy and asked "Tumahol ba aso mo?" Haha. Sorry, medyo natawa talaga ako sa pagtanong niya. The guy answered, "Huh? Bakit???" Crazy question naman kasi. "Kung may dumaan ba kasi na grupo dito sa tapat ng bahay mo?" Then the man of the house came out the gate and faced us. A bit drowsy but was still able to grasp what’s really happening and upon hearing the word gang when we’re describing the bunch, he pointed a house which is the primary location of the dead end of the street. It was a compound. The gate was open, apparently it gated several houses.
Boom! Pagkapasok pa lang, may pulong na. Sila nga iyon. "Halika Hija, ituro mo iyong may gawa sa iyo nito." Lapit naman ako, malayo pa lang kahit hindi ako nakasalamin, naanigan ko na ung itsura nung chinita! Lapit ako, medyo galit. (Sorry, tao lang). "Ayan, ayan pong babaeng iyan! Iyang naka-pink! Yabang yabang mo kanina, tumayo ka ngayon pakita mo sarili mo, walang hiya ka! Kapal mo! Ngayon tahitahimik ka." "Ma’am, dito po muna kayo, maya na lang po iyan. Ituro niyo lang."
Medyo nag-tables turned dito. 16 y/o lang daw siya. Sooo? Nanuntok pa din siya. Eh may CHILD PROTECTION LAW daw. Sa barangay hall, iyan daw ang primary problema nila. Nasingit pa nga nila na ang mga Abu Sayyaf at mga sindikato mga underage ang kinukuha para sa external para kapag nagkahulihan kung wala ay menos sabit. Tsk. Strategy!
Still. At that moment I so hate Kiko Pangilinan! Dahil sa kanya hindi pwede kasuhan iyong "bata!" Amp. Eff-ing law! Stuuuuupid. Owell, that can work for you or against you. But shouldn’t the law be absolute and fair?? Sad.
Pero hindi ibig sabihin noon, makakawala siya ng ganun-ganon lamang. Pag balik doon sa barangay hall (brgy.2), madaming tao! Jampacked ang Biyernes nila Manong at Manang, babae kasi ung deskperson nila. Aun. Tinanong ako ano nangyari. Hala! Nag-init na po ako uli, "Ayan ayan tanungin niyo po iyang babaeng iyan. Tanungin niyo po bakit niya po ako sinuntok nung magkasakay lang kami sa dyip. (Then I faced her) Naka-drugs ka ba? Lasing? Ano? Nag-iisip ka ba? Palagay ko hindi! Nakikita mo itong katawan ko, kayang-kaya kita suntukin at masasaktan ka, gagawin ko ba iyon?? Hindi! Kasi nag-iisip ako. Sabi mo sixteen ka, eh paano na kapag twenty ka edi papatay ka na dahil trip mo lang din! Ganun ba iyon? Yabang yabang mo kanina ngayon tahihimik ka. Hahayaan na lang sana kita eh. Pero ito, itong ginagawa ko para sa iyo. Kasi iyang ginagawa mo. Gawiin lang ng delikwente. Un ka e, delikwente!!!" Haha. Infairness, hindi ako hiningal diyan.
Pero bago pala umabot sa puntong iyan, natanong ko siya kung nakadrugs siya di ba? Haha. Tas hindi nga makasagot. Sabi ko "O hindi ka makasagot. O eto na lang sagutin mo, bakit mo ako sinuntok kanina?" (Wala. NR,) "Tinatanong ka, bakit hindi ka sumagot? Sagot ka." "Eh ate hindi naman kita sinuntok eh." Aba! Nagpanting na tenga ko! "So gawa-gawa ko lang iyon. Sinuntok ko sarili ko, ganoon?? Ha?! Ha?! Hanapin ka pa namin, ano tingin mo sa akin?!" Tas ung nasabi ko sa taas dito mo na ilalagay -> _____________.
Tas hiningian ako ng salaysay ng nangyari. Pwede po bang isulat ko na lang, ayoko pong maririnig ng mga ito anything about it, baka ano pa po maisip at balikan ako! Tas hintay sandali. Kinausap sila sa loob ng isang kwarto. Tas ako naman ang kinausap.
"Ma’am, mahirap po kasi eh. Menor de edad." "Kung menor de edad nga. Gusto ko ng birth certificate." "Ma’am, gusto niyo pagsabihan niyo na lang." "Ay, hindi po! Itsura niyang iyan, hindi po iyan makikinig!" "Eh ano po ang gusto niyo?" "Kung ano po ang dapat na mangyari, sabi nyang ganyan na bata siya so be it. Kung ano ang nakasaad sa batas, iyon ang gusto ko! Aanhin ko ang pera nyan! Tutal po gusto niyo pagsabihan ko iyan. Gusto ko ng birth certificate at ang mga magulang niyan! Iyon ang kakausapin ko, pagkatapos sila na bahala sa anak nila." Upon hearing that, they’ve sent someone to fetch the things I demanded. Hmf. Dapat lang noh?
Waiting. While waiting dear Ate Jenny guided me on what to do. The guy from the other barangay (brgy.1) which is Henry Go was a bit skeptic and not quite on my side anymore upon seeing the suspect. Nice to have Ate Jenny on my side talaga! Whee! She told me to get myself a medico legal(tama ba?) and to call up someone from my side since I’ve ordered to have the culprit’s parents there too.
Haynako, mahabang paghihintay ang nangyari. Bottomline, hindi dumating iyong magulang nung lecheng babae. Pinaghintay lang kami. Napagkasunduan namin ng mga tita ko na tactic talaga nila iyon para magsawa kami sa kakahintay at aalis na lang kami dahil sobrang naabala na kami. Ay sorry, dahil sa sobrang abala, kaya pursigido kami na matuto siya ng leksyon. Naku, nung nasa A. Samson kami, tinatanong daw siya nung si Manang deskperson at ngiti-ngiti lang daw ang nampupu! Sinisilip ng mga taga-doon kung ano ang kaganapan. Naririnig ko na, "Ay may itsura ung nang-ano!" Haha. Hellafunee. Well, it’s funny now but then it’s all wrong. Foul kung foul talaga! Ugh. And take note, feeling namin fake name eh: DONITA ROSE B. BURAC ba naman daw! Heeello! What are you, born yesterday?? That’s way laaaaame beyond measure! Db? Grr. *rawr*
(Somewhere before that Ate Jenny and Jason decided that they can leave na, since my aunts were already there. Sweet. Thx! And they kept in touch too, texting me and asking how’s everything.)Tas lumipat na kami ng barangay (brgy.1), doon na kung saan dapat. Hala! Namputx, iisa lang ang nasa side namin na tao doon sa barangay. Nadaan ata sa itsura nung bwiset. Mag-aalas kwatro na doon pa lang lumitaw ang side nung babae uli. At hindi lang iyon, iyong ate lang niya ang lumitaw, ang bf niya nakapagpalit na ng t-shirt! Lechers! Mukha ba kaming tanga na sasakay lang sa gimik nilang palusot na iyo?! Hinanap namin iyong nanay? Aba, hindi daw makakapunta dahil na-OPERAHAN! Exag sa paggagawa ng excuse. Eh. Pero benefit of the doubt, sabihing totoo nga iyon. E bakit kayo nasa labas ng bahay niyo at malayo-malayo sa lugar niyo - dumayo pa talaga kayo para uminom at gumawa ng gulo?! Naku. Shouldn’t they be staying at home and care for there mother, if not just not drink - coz drinking is like celebrating or something. You see, it’s like celebrating they’re mom is undergoing such troublesome thing. Pathetic talaga!
Then, tita pushed through her decision to have the culprits blottered. There. Police Station. Masambong it is. Hayy, finally our prayers were answered! Hindi porke’t underage, walang batas diyan. Meron! Haha. Yey! Yeah, we know that justice was on our side from the start. Should! Should be on our side. But when we arrived at the police station.. Whew! What a relief, finally. They said since she’s claiming she’s 16, she’ll be taken custody by DSWD. She’ll stay there until her parents or legal guardians claim her. Good luck, up until that point I think her mom doesn’t even had the faintest idea and if ever she knows any of it, will disapprove violently. Haha. Ambaaad ko, ehe. If no one claims her, maybe a foster home or she’ll stay there until she’s 18! Haha. Whee! We can go home na!
[04:30am]Go home, we did!
Thank you to both barangay halls: San Antonio (shoutout to the manong with the half black long sleeve in his right arm!) and Apolonio Samson (manang, naturuan na po ng leksyon)!
&& to Masambong Police Station, namely Sgt. Mar de Castro and PO2 Eric Rano! Salamat salamat po. && to Tita Omay and Tita Mely, of course. Whom I woke up that night. Who planned to have a long rest prior to that weekend. Ate Jenny and Jason, how can I forget you. Maraming maraming salamat talaga! Blessing talaga kayo at kayo din po ay mabibiyayaan nararama ko po! Love, Sekseh, JC, thxthx! Tei, Tet, Liz, Tipeeh, Jaymie, Ate Mona, Pat jang loku ka! Haha. Poi, Ica, Steph.. Vitamin and Kaps. Thx y’all! Labyoo! +Bon na din &K na nga din. Xo, C.
Saturday morning, so it wasn’t Friday night after all.
Btw: she tried to talk herself out of it by saying sorry. Huh?! That late, no can do baby! It’s both too little and too late, honey!
Okkk! Lesson learned. Hay, even in a very bad way, there will always be lessons and other realizations. *sigh* Be careful, lovies! You know naman buheybuhey ngayon, delicades na masyadu.. Ehe.. Kk. Holler! Atc. Xo, C.
I repeat: BAWAL magview nang HINDI nagcocomment. Lol.
♥COBondoc